Voting in Australia | Pagboto sa Australya
On this page
Sino ang kailangang bumoto sa mga halalan sa Australya?
Kailangang nakalagay ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante (electoral roll) at bumoto sa Australya kung kayo ay:
- isang mamamayang Australyano
- may edad na 16 taon o mahigit (ngunit saka lamang makakaboto kung nasa edad na 18 taon na)
- nakatira sa kasalukuyang tirahan nang hindi kukulangin sa isang buwan.
Ang paglalagay ng inyong pangalan sa “electoral roll” ay nangangahulugan na makakaboto kayo sa lahat ng mga halalan: sa pambansa, pang-estado at pang-lokal na gobyerno.
Paano magpatala upang makaboto?
Maaari kayong bumoto sa “website” ng Australian Electoral Commission: aec.gov.au/enrol. Maaari rin kayong magsumite ng pormang nasa papel. Maaari kayong magpatulong sa pagsagot nito kung nahihirapan kayo sa Ingles.
Kailangan ninyong ilagay ang mga detalyeng ito sa porma:
- ang mga detalye tungkol sa inyong pagkamamamayang Australyano
- patunay ng inyong pagkikilanlan sa pamamagitan ng driver’s licence, pasaporte o may makakapagpatunay ng inyong pagkakakilanlan mula sa isa sa mga taong nasa listahan ng mga botante.
Ipadala ang nakumpletong porma sa pamamagitan ng koreo sa opisina ng Australian Electoral Commission sa:
Australian Electoral Commission
Reply Paid 9867
Sydney NSW 2001
Hindi kailangang dikitan ng selyo.
Kung hindi pa ako nakapagpatala upang bumoto noon, magkakaproblema ba ako kung ako ay magpapatala ngayon?
Hindi, kayo ay hindi magkakaproblema. Kung kayo ay magpapatala ngayon, hindi kayo magmumulta.
Paano ko maisasapanahon (update) ang aking mga detalye sa “electoral roll”?
Kailangan laging naisapanahon ang inyong pangalan at tirahan upang hindi ninyo mapalampas ang anumang halalan at mamultahan dahil sa hindi pagboto. Maaari ninyong tingnan ang inyong mga detalye sa pagpapatala at isapanahon ang mga ito sa “online”: aec.gov.au/enrol
Magpalista para sa “serbisyo sa pagpapaalala sa halalan” (election reminder service)
Kayo ay magmumulta kung kayo ay nakatala at hindi bumoto sa halalan. Kung gusto ninyong makatanggap ng paalaala sa email o SMS kung mayroong halalan sa estado o lokal na gobyerno, maaari kayong magpalista para sa libreng “reminder service” sa email o SMS sa: elections.nsw.gov.au/remindme