2024 NSW Local Government elections | Halalan ng mga Lokal na Pamahalaan ng NSW sa 2024
Ang halalan ng mga Lokal na Pamahalaan ng NSW ay gaganapin sa Sabado, ika-14 ng Setyembre 2024. Ang pagboto ay sapilitan.
On this page
Tungkol sa mga lokal na halalan
Ang New South Wales ay nahahati sa 128 lugar ng pamahalaang lokal (local government area). Bawat lugar ng pamahalaang lokal ay pinamamahalaan ng isang konseho at ang mga botante sa bawat lugar ay naghahalal ng mga tao na magiging kinatawan nila sa konseho. Ang mga nahalal na mga miyembro ng isang konseho ay tinatawag na mga konsehal (councillors) at ang pinuno ng isang konseho ay ang alkalde (mayor).
Ang ilang mga lugar ng pamahalaang lokal ay nahahati sa mga distrito (wards). Kung naninirahan ka sa isang nahating lugar ng konseho, bumoto ka lamang sa ward kung saan ka nakalista.
Ang mga botante sa ilang mga lugar ay boboto rin ng kanilang alkalde. Sa ilang mga lugar, ang alkalde ay pipiliin ng mga nahalal na konsehal.
Tungkulin ng mga konseho
Ang tungkulin ng mga lokal na konseho sa New South Wales ay asikasuhin ang mga pangangailangan ng isang lungsod o lokal na komunidad.
Kabilang sa mga responsibilidad ng konseho ang:
- mga pagdedesisyon sa pagpaplano at rezoning
- mga imprastraktura ng lokal na mga daan at tubig
- mga aklatan, pasilidad sa palakasan at mga parke
- pangungolekta ng mga basura ng sambahayan at recycling.
Paano ko malalaman na kailangan kong bumoto?
(Pagpapatala (enrol) upang makaboto)
Kailangan mong magpalista upang bumoto kung ikaw ay 18 taong gulang at pataas at isang mamamayan ng Australya.
Sapilitan ang pagboto. Ang pagboto ay nagbibigay-daan sa iyo na pumili kung sino ang kakatawan sa iyo sa pederal, estado at lokal na pamahalaan.
Maaari kang magpalista na bumoto kung ikaw:
- ay isang mamamayan ng Australya, at
- ay 16 taong gulang o mas matanda (ngunit hindi ka maaaring bumoto kung wala ka pang 18), at
- tumira sa iyong kasalukuyang tirahan ng hindi bababa sa isang buwan.
Maaari kang mag-enrol na bumoto o baguhin ang iyong mga detalye ng pag-eenrol sa website ng Australian Electoral Commission, o kumpletuhin ang isang pormang papel.
Kapag nakumpleto na ang iyong pagpapalista, makakatanggap ka ng ng isang kumpirmasyon ng iyong pangalan tulad ng ipinapakita sa electoral roll (listahan ng mga botante), at kung saang dibisyong pederal, distrito ng estado at lokal na lugar ng pamahalaan ka nakalista.
Ang proseso ng pag-enrol ay sa Ingles.
Mga opsyon sa pagboto
May ilang mga opsyon sa pagboto para sa halalan ng mga Lokal na Pamahalaan ng NSW sa 2024.
Para sa mga halalang ito, maaari kang bumoto:
- sa personal bago ang araw ng halalan sa isang pre-poll na lugar (kung kwalipikado ka), o
- sa personal sa araw ng halalan, o
- sa pamamagitan ng koreo (postal vote) (kung kwalipikado ka).
Upang tingnan kung maaari kang bumoto sa panahon o bago ang araw ng halalan, ilagay ang iyong address ng tirahan sa address lookup dito
Ilagay ang address kung saan ka nakalistang bumoto upang mahanap ang listahan ng mga lokasyon ng botohan at impormasyon tungkol sa mga oras ng pagbubukas at kadaliang mapuntahan (accessibility).
Kung hindi ka nakakakita o mayroong mahinang paningin, maaari kang bumoto gamit ang tinutulungan ng opereytor na pagboboto sa telepono sa pamamagitan ng pagtawag sa 1300 248 683 upang magrehistro at bumoto.
Maaari ka lamang bumoto ng isang beses sa mga halalang ito.
Mga papel ng balota para sa mga halalan ng lokal na konseho
Pagdating ng oras upang bumoto, bibigyan ka ng isa o mahigit pang mga balota upang kumpletuhin, depende kung saang lugar ng konseho o ward ka nakalistang bumuto.
Lahat ng mga botante ay bibigyan ng isang balota na kukumpletuhin para sa konsehal. Maaari ka ring makatanggap ng isang balota para sa alkalde, isang balota para sa reperendum at/o isang balota para sa pagboto (poll).
Basahing mabuti ang mga tagubulin sa bawat balota. Ang mga tagubilin ay nakasulat sa Ingles.
Tandaan, kung personal kang boboto at kailangan mo ng tulong, hilingin sa kawani ng halalan na asikasuhin ang isang interpreter sa telepono para sa iyo. Maaari ka ring magdala ng isang kaibigan, kapamilya o tagapag-alaga upang matulungan ka na maunawaan ang mga tagubilin ng pagboto.
Konsehal
Ang ilang mga konseho ay nahahati sa mas maliliit na mga lugar na tinatawag na mga ward. Kung nakatira ka sa isa sa mga konsehong ito, boboto ka ng mga konsehal na kakatawan sa iyong ward, na sasama sa iba pang mga konsehal mula sa ibang mga ward ng konseho.
Sa ilang mga konseho, ang balota ay mayroong isang makapal na linya mula sa magkabilang panig ng pahina, na may mga kahon ng pagboto sa itaas at ibaba ng linya. Sa mga balotang ito, maaari mong markahan ang iyong mga pinili alinman sa taas ng linya, o sa ibaba ng linya. Basahing mabuti ang mga tagubilin.
Alkalde
Sa ilang mga konseho, ang alkalde ay pinipili ng mga konsehal pagkatapos ng halalan.
Sa ibang mga konseho, ang alkalde ay direktang hinahalal ng mga botante. Ang mga botante sa mga konsehong ito ay makakatanggap rin ng isang balotang kukumpletuhin para sa paghahalal ng alkalde.
Reperendum o pagbobotohan (poll)
Ang ilang mga konseho ay maaari ring magdaos ng isang reperendum upang potensyal na baguhin ang istraktura ng konseho, isang pagbobotohan tungkol sa isang isyu sa iyong komunidad.
Upang kumpletuhin ang isang balotang reperendum o pagbobotohan, sundin ang mga tagubilin upang markahan ng ‘YES’ o ‘NO’.