Go to content

Political donations | Mga donasyong pampulitika

On this page

Ang impormasyong ito ay isinalin sa mga wika ng komunidad para sa layuning pang-edukasyon. Sinikap na maibigay ang wastong pagsasalin, gayunpaman, walang pagsasalin na perpekto. Ang opisyal na nilalaman ay ang wikang Ingles na bersyon ng website na ito.

Ang anumang mga hindi pagkakaayon o pagkakaiba na nilikha sa mga pagsasalin ay walang ligal na epekto para sa mga layuning pagpapatupad o pagpapasunod. Kung may mga katanungan na lumitaw na nauugnay sa kawastuhan ng impormasyon na nakapaloob sa isinalin na impormasyon, sumangguni sa Ingles na bersyon ng mga materyales sa website na ito na siyang mga opisyal na bersyon.

Mga donasyong pampulitika

Ang mga partidong pampulitika, mga kandidato at iba pang mga indibidwal at mga organisasyon na kasangkot sa pulitika o halalan ay maaaring humiling ng mga donasyon o iba pang mga uri ng suporta, lalo na kung malapit na ang halalan.

Ang isang donasyon sa pulitika ay isang regalong ibinigay sa, o para sa pakinabang ng isang partidong pampulitika, inihalal na kasapi ng Parlyamento ng NSW o isang lokal na konseho ng NSW, isang kandidato sa halalan ng Estado ng NSW o lokal na pamahalaan o grupo ng mga kandidato, o isang tao na gumagamit ng donasyon upang magkaroon ng panggastos sa halalan o magbigay ng  donasyon sa pulitika para sa ibang tao.

Mayroong mga limitasyon sa kabuuang halaga na maaaring tanggapin mula sa isang donor sa pulitika para sa isang taong pinansyal. Itong mga ‘hangganan sa donasyon’ (donation caps) ay inaakma bawat taong pinansyal at nakalathala sa website ng NSW Electoral Commission.

Kapag nagbibigay ng donasyon sa pulitika, ang donor ay maaaring matanong ng kanilang pangalan at address upang makumpirma ng taong tumatanggap na ang donor ay sumusunod sa batas at ang donasyon ay tumutupad sa hangganan ng donasyon.

Mga uri ng donasyon sa pulitika

Ang mga donasyon sa politika ay mga donasyon para sa halalan ng Estado ng NSW o lokal na pamahalaan, o mga inihalal na kasapi sa Parlyamento ng NSW o mga lokal na konseho.

Kabilang sa mga halimbawa ng donasyon sa pulitika ang:

  • mga regalong pera

  • mga regalong hindi pera

  • mga serbisyong walang bayad o may diskwento

  • isang kontribusyon, bayad sa pagpasok o iba pang mga kabayaran upang lumahok sa o makinabang sa isang aktibidad sa pangangalap ng pondo o pagtitipon

  • taunan o iba pang mga suskripsyon na binabayaran sa isang partidong pampulitika ng isang miyembro ng isang partido, o ng isang tao o entidad para sa pagkakaugnay sa partido

  • hindi siningil na na interes sa isang pautang.

Hindi kabilang sa mga donasyon sa pulitika sa NSW ang:

  • mga pagpapamana

  • isang regalo na ginawa lamang para sa layunin ng isang halalang pederal o isang miyembro ng pederal na parliyamento, o isang halalan sa labas ng New South Wales, o isang nahalal na miyembro sa labas ng New South Wales.

Mga naiuulat na donasyon sa pulitika (reportable political donations)

Ang isang naiuulat na donasyon sa pulitika ay isang donasyon na nagkakahalaga ng $1,000 o higit pa. Kasama rito ang maramihang mga donasyon na ginawa ng iisang tao para sa parehong tumatanggap sa isang taong pinansyal na, sa kabuuan, ay nagkakahalaga ng $1,000 o higit pa.

Ang isang tao na nagbibigay ng isang naiuulat na donasyon sa pulitika ay tinatawag na isang pangunahing donor sa pulitika.

Kapag ang isang naiuulat na donasyon sa pulitika ay natanggap ng isang partidong pampulitika, nahalal na miyembro, kandidato, o iba pang kalahok sa halalan, isang resibo ang dapat ibigay sa pangunahing donor sa pulitika.

Para sa mga donasyong hindi salapi, ang pagbibigay-alam sa pagkatanggap ay dapat na ibigay sa pangunahing donor sa pulitika.

Mga maliliit na donasyon sa pulitika

Ang isang maliit na donasyon sa pulitika ay isang donasyon sa pulitika na mas mababa sa $1,000.

Kung maramihang mga donasyon ang naibigay sa iisang tao sa isang taong pinansyal, maaari itong maging mga naiuulat na donasyon sa pulitika kapag pinagsama-sama.

Dapat pagsikapan ng mga donor sa pulitika na magtabi ng mga wastong talaan upang matukoy nila kung nakagawa sila ng maraming maliliit na donasyon, na kapag pinagsama-samaay magiging isang naiuulat na donasyon sa pulitika.

Sino ang maaaring magbigay ng donasyon?

Mayroong mga mahihigpit na patakaran sa New South Wales kung sino ang maaaring magbigay ng mga donasyon sa pulitika. Ang isang donor ay dapat:

  • isang indibidwal na nakatala upang bumoto sa mga halalang pederal o para sa Estado o lokal na pamahalaan sa New South Wales, o

  • isang entidad na mayroong numero ng negosyo na kinikilala ng Australian Securities and Investments Commission (hal. ABN o ACN), o

  • isang indibidwal o entidad na naaprubahan ng NSW Electoral Commission upang magbigay ng mga donasyon sa pulitika.

Ang ilang mga korporasyon, indibidwal at ang kanilang mga malapit na kasamahan ay pinagbabawalang magbigay ng mga donasyon sa pulitika.

Kasama sa mga pinagbabawalang donor ang:

  • mga ‘property developer’

  • mga entidad ng negosyo sa industriya ng tabako

  • mga entidad ng negosyo sa industriya ng alak o pasugalan

  • mga malalapit na kasamahan o mga kinatawang samahan sa industriya ng mga pinagbabawalang donor.

Mga labag sa batas na mga donasyon sa pulitika

Ang ilang mga donasyon sa pulitika ay labag sa batas. Kung ang isang tao ay nagbigay o tumanggap ng isang donasyon sa pulitika na labag sa batas, ang tao ay maaaring nakagawa ng isang pagkakasala at maaaring kasuhan ng NSW Electoral Commission sa isang korte.

Kabilang ang mga halimbawa ng mga donasyon sa pulitika na labag sa batas ay:

  • mga perang donasyon na mahigit sa $100. Ang mga donasyon sa pulitika na mahigit sa $100 ay kailangang gawin sa elektronikong paraan o sa pamamagitan ng tseke

  • mga di-kilalang (anonymous) nag-donasyon sa pulitika

  • mga donasyon ng mga pinagbabawalang donor

  • mga donasyong sumubra sa mga hangganan ng donasyon.

Paghahayag ng mga donasyon sa pulitika

Ang isang taong nagbibigay ng isang naiuulat na donasyon sa pulitika ay tinatawag na isang pangunahing donor sa pulitika (major political donor). Ang mga pangunahing donor sa pulitika ay kailangang ihayag ang mga detalye ng mga donasyon sa pulitika na ginawa nila sa NSW Electoral Commission. Ang mga pagbubunyag ng mga naiuulat na donasyon sa pulitika ay dapat gawin taun-taon sa pagtatapos ng taong pinansyal. Ang impormasyon kung paano gumawa ng isang paghahayag ay makukuha sa aming website.

Ang mga partidong pampulitika, mga nahalal na miyembro, mga kandidato, at iba pang mga kalahok sa halalan ay kailangan ring maghayag ng kanilang mga ibinigay at nakuhang donasyon sa pulitika. Ang ginawang paghahayag ng mga pangunahing donor sa pulitika ay tumutulong upang makumpirma ang kawastuhan ng ibinunyag ng mga partido sa pulitika, mga kandidato at iba pang mga kalahok sa halalan.

Ang NSW Electoral Commission ay inaatasan ng batas na maglathala ng lahat ng mga paghahayag na ginawa sa website nito para sa kalinawan (transparency).

Makipag-ugnay sa amin

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa 1300 022 011 o sa pamamagitan ng email sa fdc@elections.nsw.gov.au. Kung ikaw ay nangangailangan ng isang tagapagsalin, mangyaring tumawag sa TIS National sa 131 450 at hilingin sa kanila na tawagan ang NSW Electoral Commission sa 1300 022 011.